Kakaibang Enrolment

Hindi ko alam kung bakit kahit na halos 400 years old na ang UST ay hindi pa din nito ma-perfect ang sistema sa enrolment. Inabot ng 20 araw bago ko na-enrol ang isang three-unit subject. At ito din ang kauna-unahang pagkakataon na ma-experience ko ang pagiging isang ‘irregluar overloaded graduating student.’ Hindi ko inakalang malalampasan ko ang pila, gulo, at perwisyo ng pag-eenrol na mas mahirap pa sa pag-aapply ng VISA.

Eto ang simula – October 25 – maaga akong lumuwas para sa ‘Advising.’ Sa mga hindi taga-UST, o sa mga taga-UST pero hindi nakakaranas magka-singko, ang ‘Advsing’ ay ang araw kung saan magsasama-sama ang lahat ng bagsak, pipila sa faculty room, at ipapapirma ang isang papel bago ka tuluyang makapag-enrol. Pag nalampasan mo ang pilang ‘yon, ayun! Next step ka na. Pero ako wala pa sa stage na’to. 10AM dumeretso na ako sa 3rd floor ng Main Building. Dali dali akong kumuha ng ‘Advising Form’ sa mala-aquarium na Dean’s Office at nilagay ko na lahat ng subjects ko (kasama na ang mga uulitin ko). Nakapila na nga ako e, tapos nadaanan ko ang isang bulletin board ng schedule ng buong kolehiyo. Tumambad sa mata ko ang schedule ng special class ko (yung uulitin kong subject). OMG! Tinamaan ang 3 subjects, MWF pa! Huminga ako ng malalim, pinikit ko ang mga mata ko at umasa akong namamalik-mata lang ako… Pero hindi! Pagmulat ko yun talaga. OK, easy lang. Sa totoo lang, hindi ko kasi alam kung papano mag-ayos ng schedule lalo pa at block naman ako taun-taon. Mabuti na lang at nag-lunch break. Ayos! May oras mag-isip at gumising sa katotohanan.

Sa taranta ko e umuwi muna ako sa dorm para kumain, magcharge ng cellphone, at sumaklolo kay Lord. Kung birthday ko lang sana nung araw na yun nag-wish na sana may isang anghel na bumaba sa langit para tulungan ako. At ayun, dumating ang tagapagligtas ng daigdig ko sa araw na ‘yon. Limang minuto bago magbukas muli ang mga opisina sa USTe e nagkita kami ng kaklase kong kamukha kong sawi. Tinanong nya sakin kung ano na ang nagawa ko. Sabi ko “kumuha ng ‘Advising Form… at… uhm….yun pa lang”

“Nge! Fourth year ka na, dapat kumuha ka muna ng overload form, ayusin ang schedule mo, magpa-advise, at ipapirma ang request to overload sa Asst. Dean,” ang sabi niya sakin. “Fine!” sabi ko naman. Mukhang madali. Ala-una na at dumeretso ako sa Information Office para kumuha ng Request for Overload. Pagkabigay sakin ng working student yung form sa window, aba, sabay hingi ng bayad. Sus! At ang tatlong pirasong papel nagkakahalaga pala ng bente singko! (Basta parang ganun, di ko na binilang ang sukli ko e) Hindi naman ako cheap, pero naisip ko lang na kahit 10 beses kong ipa-photocopy yung form e hindi naman aabot ng 25 yun a!

Ayan, madami pang oras. Finill-up-an ko ang form. Daming blanks. Nung matapos ko na, balik ako sa bulletin board ng schedule buong College of Science. Dumugo ang utak ko kaka-arrange ng schedule. Inabot ng almost 1 hour! Isipin mo nalang, 4-7pm sa block class ko ang tinamaan ng lintik na special class; tatlong subjects yun. San ko sisingit yun? Gulu-gulo na! Hindi ko na ikukwento kung paanong nagkahimala at naayos ko na ang schedule ko. Mag ti-three-o’clock prayer na nang maubos ang pila at ako na isa sa mga panghuling magpa-advice.

Ako: Good afternoon ma’m. Magpapa-sign po.

Ma’m: Naku hijo, wala pang Cell and Molecular Bio (yung isa sa mga uulitin kong subjects)

Ako: E ma’m paano ko po mapapapirma sa Asst Dean ang request ko e di pa kumpleto?

Ma’m: Balikan mo bukas.

Ako: (deep inside lang – Paalis ako papuntang Bora ‘no? Haller!)

Pero ang totoong sinabi ko:

Ok po.

Hindi ko binalikan. Ano ‘yun, ipagpapalit ko ba ang pirma ng Asst. Dean sa trip to Bora? Never! Ayun, at habang nagtatampisaw ako sa white sand mula Oct. 26-28, iniisip ko kung magiging available na ang subject na yun sa Oct. 29.

Luwas ulit ako sa UST. Habang lahat ay nag-uuwian na sa probinsya, ang mga irreg ng Science ay nakapila sa Asst. Dean para sa Request for Overload. Kahit na wala pa yung 1 subject, naisip kona ipapirma na para ma-enrol ko na ang ibang subjects. Dumating ako 11AM, kumuha ako ng number dun sa dispenser sa Dean’s Office na kamukha ng makikita sa mga bangko. Paghila ko – number 182! Oo, one hundred and eighty two! Tinanong ko sa super sungit na tagabantay ng pinto ng Dean’s Office kung anong number na ba ang nagpapa-advice, at sabi, 35 pa lang. Sabi ko sa sarili ko – “Putek! E kahit hanggang alas-ocho ng gabi ang opisina e ‘di matatapos ang pila a!” Nagdesisyon akong umuwi nalang at bumalik kinabukasan. Pero ang bilin ko sa mga kasama kong nakapila e magtirik ng mga kandila, i-usod sa pintuan ang rebulto ni Albert the Great at mag-vigil nalang sila para kinabukasan e may magse-save na ng pwesto ko sa pila. Walang tumawa sa joke ko.

Kinabukasan, Oct. 30, asa nanaman ako na makakapagpa-advice ako. Hindi pa rin pala. Papano ba naman, tinotoo yata ng mga tao ang biro ko about sa “Vigil” thing, ayun! 9am pa lang e number 49 na ako! Leche talaga. Bakit ba kelangan pang magpa-advice? Dinatnan ako ng sipag pumila hanggang mag-lunch break pero uminit din ang ulo ko sa gutom. Sa inis ko (actually dalawa kami), nag-dare kami na wag na pumila at ipagduldulan nalang kay Ma’m Beth (ang dakilang secretary) na ilakad ang papel namin. Bahala na.

Undas na! Balik nanaman ako sa skul kahit karamihan ng tao ay nasa mga sementeryo na. Una kong pinuntahan ay ang secretary na pinag-iwanan ko ng form. Siyempre todo pray ako na sana napirmahan na ang form ko. At last! Nasagot ang prayer ko at ready to enrol na ako dahil approved na ang overload form ko. Derecho ako sa Seminary Gym na puno ng mga enrolees kahit na Undas na (mukha na nga din akong bangkay sa sobrang ngarag). Aba at ang Cell and Molecular Bio (CMB) ay hindi pa din pala available! Ano ito? Hindi na ba ako ga-graduate? Inenroll ko na muna ang iba kong subject at bumalik sa department para tanungin ang CMB.

Ako: Ma’m yung CMB po available na?

Ma’m: Naku hindi pa.

Ako: E ma’m, pasukan na po sa Lunes e

Ma’m: Oo nga, pero walang prof na magtuturo, wala na ding available na room.

Ako: E ma’m ano pa pong option?

Ma’m: Gagawan ko ng paraan.

Aba at first day of school na ng second sem. Ang CMB? Wala pa din. Para kaming mga asong gala sa UST na naghahanap ng mag-aalaga sa amin. Pwede na nga ulit akong tumakbong Batch Rep dahil ang dami kong nakakatext na sawimpalad. Pagkatapos ng isang linggo, aba wala pa rin! Nakapgpasa na nga ako ng application para mag Medicine sa UST hindi pa pala ako ga-graduate? Akalain mo yon? Ayun pati NMAT form ko naproseso pa rin, pero ang isang subject na kailangan ko, hindi ko pa rin mai-enrol. Kailangan pa daw naming gumawa ng “Letter of Eagerness to Enroll.” Ang sabi ko “Leche, sinu ba naman ang hindi gusting gumraduate?” (Pero deep inside lang yun syempre). Edi yun, follow the leader kami at gawa ng letter ek-ek.

Sa wakas, dumating din ang takdang oras. Ang pagkakataong hinihintay ng 18 estudyanteng nasa pareho kong kalagayan… Ang sandaling makakapagbayad na para makuha ang CMB! Umaga ng November 19 ay pumunta agad ako sa Dean’s Office at kinuha ko na ang petition form namin na na-aprubahan na (siguro na-touch si Dean sa letter namin na “Eagerness to Enrol). Mahabang proseso pa pala ulit – papirma sa Registrar, papirma sa Accounting, encoding sa Computer Center – bago tuluyang maka-enrol. In short, inabutan nanaman ako ng Lunch break! (Sana nga robot nalang ang lahat ng empleyado para di nalang kumakain diba?) Ala-una ng araw na yon nang makuha ko ang aking revised load. Ayun! Enroled nako sa wakas – pagkatapos ng 20 working days na paghihintay.

Naisip ko tuloy kung ganito ba kagulo ang sistema sa UST noong panahon ni Rizal at hindi niya ito naexperience kaya hindi niya ito na kwento. Pwes, eto, kinwento ko na!

Maraming salamat kay:
James Matias, na tinulungan ako sa paggawa ng schedule ko.

Kay Joy Gavadan, ang nag-forward sa akin ng “BIR story” ni Jol Ong na nagbigay sa akin ng ideya kung papaano ko isusulat ang karanasan kong ito sa Kolehiyo ng Agham sa UST.

Advertisements

4 thoughts on “Kakaibang Enrolment

  1. hi, i know this may sound weird but i hope you can help me. i’ve been looking for joy gavadan because she’s my classmate back in highschool (st.scholastica marikina), to make a long story short we’ve lost contact and i don’t know how to reach her. searching her through google came to mind and her name happened to appear under your blog entry. well, i’m just trying my luck hoping if you could tell me her email address or cellphone number maybe? thanks!

  2. Haha! Finally, i was able to read this entry. Took me quite some time to dig it. 🙂

    Sus, if i were still in college, i would really feel for you. Buti nga sa inyo walang EPN (enlistment priority number), na nakasalalay sa apelyido mo kelan ka makaka-enrol. Malas mo kung sa last day ka, dahil ubos na ang slots. Haha! Share ko lang. 🙂

    Buti na lang wala ng ganto ngayon! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s